Briones on School Building Reevaluation

 


Narito ang opisyal na pahayag ng DepEd tungkol sa pondong nakalaan at kinakailangan ng ahensiya para sa mga School Building.

 

𝗕𝗿𝗶𝗼𝗻𝗲𝘀: 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴, 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗲𝗯𝗮𝗹𝘄𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮

Marso 03, 2021 – Upang masiguro ang kaligtasan mula sa panganib na dulot ng mga sakuna sa mga paaralan, kinilala ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Leonor Magtolis Briones ang pangangailangan sa muling pagsuri sa disenyo ng mga gusali ng silid-aralan bago itayo upang matugunan ang kakulangan ng mga ito sa bansa.
Sa virtual na pagbisita ni Kalihim Briones sa DepEd Region 1, binanggit niya ang kahalagahan sa pagtingin sa mga detalye ng disenyo ng mga gusali. “Perhaps the building designs need to be improved, so that during calamities such as earthquakes and typhoons, the school buildings are much more secure, rather than these past calamities where many of our classrooms were immediately toppled and destroyed,” ani Briones habang kaniyang pinupunto na nararapat lamang tingnang mabuti ang kakayahan nitong makaligtas sa mga malalakas na hangin, lindol at malalakas na bagyo.
Sinabi rin ni Kalihim Briones na habang taon-taon ang pagpapatayo ng mga gusali ng paaralan, hindi pa rin ito sapat upang masukat ang tagumpay ng mga proyektong tumutugon sa kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. Kinakailangan ng tamang pagsusuri ang mga disenyo nito upang mabasawan ang pagkasira ng mga gusali sa paaralan dahil sa mga bagyo taon-taon.
Dagdag pa rito, binanggit ni Briones na kailangan ding tingnan ang mga new normal na panuntunan na inilabas ng Department of Health (DOH) sa pagsusuri ng mga disensyo ng mga gusaling pampaaralan.
Ayon kay Briones, “We should also consider the DOH guidelines for number of students in a classroom, taking note of size of classroom and distancing for students. We are now having an ongoing conversation on these building requirements.”
Pinaalalahanan din ni Briones ang publiko na hindi lamang responsibilidad ng DepEd ang pagsasagawa ng school buildings kundi kasama ring nakikipagtulungan ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻
Kaugnay nito, iminungkahi ni Undersecretary for Administration Alain Del Pascua ang paglipat ng pagpapatupad ng School Building Program (SBP) mula sa DPWH patungo sa DepEd upang mapabilis ang pagsasagawa ng mga silid-aralan sa buong bansa.
“DepEd has a bigger stake and more concern over these projects, making it the better agency to work out the immediate implementation and completion of school buildings,” ani Usec. Pascua.
Binigyang-diin niya na matagumpay na naipatupad ang local- at foreign-assisted school building projects sa pamamagitan ng Principal-led Scheme of School Building Construction.
“The scheme provided a greater sense of project ownership by the school and the community, which strengthened project monitoring, resulting in high integrity and quality completed project,” saad ni Pascua, habang binanggit niya ang pagkilala ng naturang paraan bilang “Best Practice Award by the National Economic and Development Authority (NEDA)” noong 2008.
Ang mga silid na kinailangan noong 2020 ay 242,603 classrooms. Ang datos na ito ay nangangahulugan na may 110,954 classroom shortages, 85,524 dito ay mga kapalit para sa muling pagtatayo ng mga silid-aralan na ide-demolish, at 46,125 naman para sa Last Mile Schools.
Upang tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa susunod na tatlong taon, iminungkahi rin ng DepEd sa mga mambabatas na maglaan ng Php 333 bilyong pondo para sa 2021, Php 374 bilyon para sa 2022, at Php 374 bilyon para sa 2023.
𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗘𝘀𝗽𝗶𝘀𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝗵𝗮𝗱
Kamakailan lamang ay inilabas ng DepEd ang Re-Establishment of Minimum Performance Standards and Specifications (MPSS) using the Alternative Construction Materials for School Buildings.
Sa DepEd Order No. 006, s. 2021, nilalayon ng MPSS na magtayo ng mga maayos na gusali na isasaalang-alang ang anthropometrics, ergonomics, kaginhawahan sa temperature, illumination, bentilasyon, acoustics at kulay; at dapat sumusunod sa batas.
Nais ng Kagawaran na masigurong kakayanin ng mga gusali sa paaralan ang malakas na hangin hanggang 340 kilometers per hour at magiging matatag kontra sa 0.4 hanggang 8.0 magnitude ng lindol sa mga susunod na taon.
Dapat ding isaalang-alang ng mga magdidisenyo ang panuntunan sa Sanitary and Plumbing, kasama na ang mga probisyon sa toilets at sanitary policies sa ilalim ng Plumbing Code at Sanitary Code of the Philippines.
Inatasan naman ang Education Facilities Division (EFD) ng Kagawaran, kasama ang mga opisina sa Rehiyon at Dibisyon, na manguna sa pagbabantay ng pagpapatayo ng mga gusali at pagsusuri nito sa paggamit ng alternatibong materyales na pinahintulutan ng Central Office.

Basahin ang buong detalye ng pahayag sa Face Book Page ng DepEd Philippines.

Facts Source: DepEd Philippines

No comments