Good News: Students can now borrow 50K to buy gadgets for online schooling from Landbank!
Good News: Students can now borrow 50K to buy gadgets for online schooling from Landbank!
Pinalawig ng Landbank of the Philippines (LBP) ang loan program para sa mga estudyante na magpapahiram ng hanggang P50,000.00 upang maipambili ng electronic gadgets tulad ng laptops, desktops, o tablets na kailangan ngayon sa online learning.
Kasama sa pinalawig na programa ang maximum loanable amount na P150,000.00 bawat studyante o P300,000 bawat magulang na hihiram para makabayad ng tuition fee at iba pang may kinalaman sa matrikula sa ilalim ng programang I-STUDY o Interim Students' Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth.
Ayon sa Presidente at CEO ng Landbank na si Ms. Cecilia Borromeo, "LandBank recognizes the need to support students in adapting to distance learning modalities. While we await the resumption of in-person classes, we hope that the I-STUDY Program can help students cover the financial requirements to purchases needed learning equipment and participate in online classes. "
Sinabi rin ng LBP na maaari ng mag-avail ng nasabing programa ang mga estudyanteng edad 50 years old. Kabilang din ang mga scholars na hindi lubusang covered ang tution fees, at mga hindi scholars mula private pre-school, primary, at secondary.
Ang loan na ito ay may fixed interest rate na 5% per annum para sa short-term loans ng mga estudyante mula pre-school, primary, at secondary na babayaran sa loob ng isang taon. Samantala payable naman hanggang 3 years para sa tertiary students.
Para sa mas detalyadong update tungkol dito, bisitahin ang website ng LandBank of the Philippines.
Facts source credits: GMA NEWS ONLINE/ www.gmanetwork.com
pwede po umutang ang apo for her studies.
ReplyDelete