May mali sa Modules? I-report sa tamang Tanggapan:
Maraming pagkakataon na may nababasa tayong pagkakamali sa mga ginamit na SElf-Learning Modules ng DepEd. Karamihan sa atin ay agad na ipinopost ito sa Social Media. Basahin ang pahayag na ito para sa tamang channel upang ipaalam ang pagkakamali sa mga SLMs:
Sa nagdaang taong-panuruan, ang sektor ng edukasyon ay sumailalim sa matinding pagbabago dulot ng pandemya. Sa paglulunsad ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP), isa sa mga repormang ito ay ang pag-iimprenta ng Self-Learning Modules (SLMs) bilang karagdagang learning modality.
Sa pamamagitan ng DepEd Error Watch, maaaring mag-report ang publiko ng mga katanungan o koreksyon sa mga SLMs gamit ang sumusunod na mga platforms:DepEd Error Watch Form: bit.ly/DepEdErrorWatchEmail: errorwatch@deped.gov.phText at Viber message: 0961-6805334Facebook Messenger: DepEd Error Watch (@depederrorwatch)Workchat: DepEd Error Watch (deped.workplace.com/groups/616392985671470/)
source: DEPED PHILIPPINES
No comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.