Year-End Bonus and Cash Gift: Magkano, Kailan at Sino ang Tatanggap?

 Tuwing nalalapit ang kapaskuhan ay kabilang sa mga inaabangan natin ang Year-End Bonus at Cash Gift na tunay namang nakakasalba sa ilan sa ating pangangailangan. Karamihan ay excited sa panahong ito dahil sa nasabing kaabang- abang na regalo para sa kawani ng Gobyerno lalo na ang mga kapwa natin guro. 

Kaugnay nito, inianunsiyo ng Tanggapan ng ikalawang Kalihim ng Pananalapi na inihahanda na ang pagproseso ng Year-End Bonus at Cash Gift para sa mga Guro.


Magkano?

Tulad ng nakasanayan, ang Year-End Bonus ay katumbas ng isang buwang sweldo ( no deductions) per personnel. Samantala ang Cash Gift ay nagkakahalaga ng P5,000 per personnel.

Kailan?

Ayon sa batas, irerelease ang mga nabanggit not earlier than November 15, 2020.

Sino ang Eligible na makatanggap?

Ang total personnel ng DepEd na makakatanggap ay tinatayang  933, 697.  Makakatanggap lahat ng permanenteng personnel at  mga personnel na may 4 months of service mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 2020. Kabilang din ang mga nagretiro ngunit nagtrabaho mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2020.

43 days pa man bago magpasko, nawa ay gamitin natin sa mga bagay na wais at magpapasaya sa atin ang mga regalong ito. Maari nating i-treat ang ating mga sarili at ating pamilya. Magtabi para sa ipon. Mag- invest. Magbayad ng utang. Magtira ng panghanda sa pasko. Magshare sa iba. At marami pang maaring paglaanan. Mahalaga din na magpalasamat tayo sa biyaya na patuloy na ipinagkakaloob sa atin sa kabila ng krisis at kalamidad na ating kinakaharap.

Ikaw? Ano ang kwentong bonus mo?


Facts and photo source: DepEd Philippines

Disclaimer: Opinions of the writer does not reflect views and opinions of DepEd Philippines.

No comments