Happy News: Kwento ng Pag-aaral Gamit ang FM Radio
Ngayong new normal, maraming modalities ang pagpipilian para maipagpatuloy ang pag-aaral. Kabilang na dito ang modular distance learning, online distance learning, blended learning, TV at Radio-based Instruction.
Isang simpleng paaralan sa Barangay Bulabog sa Sorsogon City matatagpuan ang Patricia Jesalva Delgado Memorial Elementary School na may 400 mag-aaral. Walang signal sa pamayanan ngunit tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata.
Kahit na cable TV ay walang signal sa nayon nila kaya napagpasiyahan na maglagay ng low power FM Radio sa lugar. Malaking tulong ang radio station na may kakayahang maabot ang 5 kms radius para magabayan ang mga magulang at mag-aaral sa modules nila.
"Ang aming school ay parang dead spot sa signal ng mga cell sites and maliban dito wala ding cable TV. So the best option here na naisip namin na ilalagay sa learning continuity plan ng school mismo ay magkaroon ng radio station. Nakita namin ito sa ilang sources din, kaya naisip ko na pwede ang maglagay ng low power FM radio," pahayag ng principal ng paaralan na si G. Arman D. Engay.
" Ang magtayo po ng radio station bilang isang pamamaraan sa pagtuturo ngayong may pandemic ay napakalaking tulong para mas maging mabilis ang pagpaparating ng impormasyon at kung ano man ang mga kailangan maipaabot sa mga mag-aaral," testimonya ng natutuwang magulang na si Ruel Janoras ukol sa radio station ng paaralan.
Isang halimbawa ang paaralang ito na sa gitna ng hirap ng sitwasyon ngayon, maraming paraan upang maabot ang mga mag-aaral para magabayan sila sa kanilang pag-aaral.
Facts and photos source: DepEd Philippines
No comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.