BUWAN NG WIKA TARPAULIN

 BUWAN NG WIKA

Ang pagdiriwang ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.



Ang Buwan ng Wikang Pambansa,[1][2] na mas kilala bilang Buwan ng Wika, ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto upang itaguyod ang pambansang wikang Filipino. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang pangunahing ahensya sa pangangasiwa ng mga kaganapan para rito.


Nagsimula ang pagtatangka na magtatag ng pambansang wika sa Pilipinas noong 1935 noong panahong Komonwelt na pinangunahan ni Pangulong Manuel L. Quezon. Noong 1946, pinagtibay ang isang wikang batay sa Tagalog bilang ang pambansang wika, na opisyal na itinalaga bilang Pilipino noong 1959. Noong 1973, maanyong pinalitan ang Pilipino ng "Filipino." Naging mga tatag na wika ng Pilipinas ang Filipino at Ingles sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987.


Linggo ng Wika ang nauna bago ang Buwan ng Wika na itinatag ni Pangulong Sergio Osmeña sa Proklamasyon Blg. 35 in 1946. Mula 1946 hanggang 1953, taunang ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika mula Marso 27 hanggang Abril 2. Pinili ang petsa ng kawakasan dahil ito ang kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas.


DOWNLOAD BANNERS

ACCESS EDITABLE

No comments

Note: Only a member of this blog may post a comment.