SINO ANG MGA EXEMPTED SA CIVIL SERVICE EXAM
1. HONOR GRADUATES
Lahat ng mga nakapagtapos ng cum laude, magna cum laude at summa cum laude sa kanilang bachelor’s degree ay exempted sa CSE, ayon sa PD. 907.
2. BAR AND BOARD EXAM PASSERS
Alinsunod ito sa RA 1080 na automatic na nae-exempt ang mga nakapasa sa bar examination at licensure board examinations.
3. SANGGUNIAN MEMBERS
Ayon sa RA 10156, binibigyan ng exemption ang Sanggunian Members (SM) na nahalal matapos maging epektibo ang Local Government Code noong May 11, 1992.
4. BARANGAY OFFICIALS
Alinsunod ito sa Local Government Code na nagsasabing lahat ng elective barangay officials, SK Chairman at appointive barangay officials (Barangay Secretary at Treasurer) ay exempted sa CSE.
5. BARANGAY NUTRITION SCHOLARS
Ayon sa PD 1569, ang isang barangay-based volunteer worker ay binibigyan ng second grade civil service eligibility.
6. FOREIGN SCHOOL HONOR GRADUATES
Sinumang Filipino na nakapagtapos ng summa cum laude, magna cum laude at cum laude sa kanilang bachelor’s degree sa isang lehitimo at prominenteng pamantasan sa ibang bansa ay exempted sa CSE, base sa CSC Resolution No. 1302714.
7. SKILLS ELIGIBILITY
1. Ibinibigay naman ang CSE exemption sa mga kwalipikadong Pilipino na ang skills ay hindi nasusukat ng written test, ayon sa CSC MC No. 11, s. 1996.
2. Sila ay ang mga plant electrician, automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator, carpenter, draftsman, at plumber.
8. ELECTRONIC DATA PROCESSING SPECIALISTS
Iginagawad din ang CSE exemption sa mga nakapasa sa proficiency test o training course ng National Computer Center (NCI-NCC) sa mga sumusunod na computer courses: Systems Analysis and Design, Computer Programming, Java, MS Access, at Visual Basic, alinsunod sa CSC Resolution No. 90-083.
9. VETERANS PREFERENCE ELIGIBILITY
1. Ayon sa EO 132 at EO 790, exempted ang mga Philippine Veterans Affairs Office-certified World War II veteran at kanyang asawa.
2. Kasama rin ang kanyang mga anak na hindi nakapasa o kulang na lang ng 10 points sa Career Service Professional Examination, Career Service Sub Professional Examination, Fire Officer Examination, o Penology Officer Examination.
10. BARANGAY HEALTH WORKERS
Alinsunod ito sa RA 7883 na nagbibigay ng second grade eligibility sa mga BHW na nakapagsilbi na ng 5 taon.
Kung meron man kayong katanungan at kakulangan sa mga kinakailangan ay pede po kayong pumunta sa malapit na CSC Office sa inyong lugar at magtanong. Good luck job-seekers!
Courtesy: Civil Service Commission
No comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.