P1,000 WTD Incentive Benefit
In case you missed the announcement made by DepEd Philippines, read here:
Agosto 10, 2021 – Alinsunod sa pangako ng gobyerno ng tapat na suporta sa ating mga guro para sa kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon, inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas ng World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB), na nagkakahalaga ng P1,000 bawat pampublikong guro, para sa 2021. Ang magiging kabuuang halaga nito ay P910 milyon.
Inumpisahan sa administrasyon ni Kalihim Leonor Magtolis Briones, ang grant na WTDIB ay kinikilala ang mahalagang papel ng ating mga guro sa pagtugon sa mga hamon ng pandemya, lalo na sa pagtitiyak ng pagpapatuloy ng pagkatuto.
Sa kasalukuyang paghahanda para sa Taong Panuruan 2021-2022, nagpapasalamat kami sa ating 900,000 na mga guro na nagpamalas ng kanilang ‘di matatawarang pagnanais na maglingkod at turuan ang kabataang Pilipino.
Kami ay maglalabas na karampatang mga patnubay sa pagbibigay ng nasabing insentibo sa lalong madaling panahon.
SOURCE: DEPED PHILIPPINES
Kaugnay nito:
Pinurihan ni Senator Christopher "Bong" Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-apruba nito sa paglalabas ng PhP 910 milyong pondo sa Department of Education para mapunan ang budget criteria nito para sa World Teacher's Day Incentive Benefit.
Thank you Sen. Go, but it's merrier if you authored an increase of teacher's salary
ReplyDeleteSa mga pulis at sundalo lang naman talaga kayo concerned! Sa aming mga guro parating kapag malapit lang ang election niyo lang kami naaalala. Sa mga Pulis at sundalo papasok na lang sila may government issue na baril na etc. Kaming mga guro Laptop, PC, computer, bondpaper, clear book at madaming need pang iPrint na sa aming sahod pa din huhuguting bulsa. Ung 1k niyo na incentive kulang pa yan sa pambayad ng internet may maiPost lang kayong mga official na tatakbo together with your picture parati.
ReplyDelete