School Heads & Teachers' Special Hardship Allowance, Itataas na!
In case you missed the announcement made by Usec. Annalyn Sevilla, read here:
Naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Department of Budget and Management ng Joint Circular No. 1, s. 2021 na inaamyendahan ang National Budget Circular 514, s. 2007, na nagbibigay ng mas mataas na Special Hardship Allowance sa mga eligible na mga guro at mga pinuno ng paaralan.
Sa naganap na EduAksyon press conference sa Bicol Region, ibinahagi ni Pangalawang Kalihim sa Pananalapi Annalyn Sevilla ang mga bagong kaganapan sa probisyon ng SHA sa kanyang financial updates para sa sektor ng edukasyon.“May bago na issuance ang DBM at DepEd kasi gagawin na po natin ang hazard index. Ibig sabihin, hindi na kailangan mag-submit ng mga documents to claim the Special Hardship Allowance because DBM and DepEd agreed to issue new criteria for our [Special] Hardship Allowance,” ani Pang. Kal. Sevilla. Sa ilalim ng bagong guidelines, ang mga kwalipikadong guro ay kinakailangan lamang magsumite ng kanilang DTR bilang pang-suportang dokumento upang makatanggap ng nasabing allowance.Binanggit din ni Usec. Sevilla na ang naturang issuance ay nagpataas sa halaga ng SHA mula 15-25% ng buwanang sahod patungo sa 25% ng buwanang sahod ng kawani na nakatalaga sa hardship post.Binibigay ang Special Hardship Allowance nang buwanan sa mga guro sa elementarya at sekondarya at sa mga pinuno ng paaralan at administrators na exposed sa matinding pagsubok at mga panganib, gaya ng hirap ng pagbyahe papunta sa trabaho.Maaari ring makakuha ng SHA ang mga pure multigrade na mga paaralan, mobile teachers, at mga coordinator ng non-formal education o Alternative Learning System (ALS).“We continue to honor our personnel, especially those who are in remote areas by addressing their concerns and providing their necessities according to their hard work. We proposed to lessen their burden by not asking for too many requirements to claim this allowance,” ani Kalihim sa Edukasyon Leonor Magtolis Briones.“In these trying times, we salute the passion of our teachers who continuously deliver education to their learners, wherever they are. In this regard, as our Filipino educators commit to their duty, we are dedicated to prioritize their protection against any potential harm,”dagdag ni Kalihim Briones.Samantala, ibinahagi rin ni Pang. Kal. Sevilla ang mga updates sa pinansyal sa nakaraang EduAksyon press conference, kasama rito ang pagpapalabas ng mid-year bonus para sa mga kawani, at ang panukala ng Kagawaran na taasan ang honoraria para sa mga board election inspectors (BEIs), bukod sa iba pa.Source: Annalyn Sevilla
No comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.