Kalusugan at Kaligtasan ng mga Guro at Estudyante, Dapat Siguruhin bago magFace-to-face classes- Sen. Bong Go



Naniniwala si Senator Bong Go na priyoridad ang health and safety ng mga estudyante, guro, at mga kawani ng ahensiya ng DepEd sa pagdedesisyon tungkol sa face-to-face classes. Ngunit sa kabila nito, dapat din aniyang siguraduhin ang edukasyon ng mga batabg Filipino. Hinikayat din niya ang DepEd na mas painamin pa ang blended learning habang naghihintay pa ng pagkakaroon ng face- to- face classes.

“Di pa naman sigurado ‘yan opening of classes dahil for approval pa po ‘yan ng IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” ayon sa Senador.

“Ako naman po, ‘wag po tayo masyadong magmadali. Bigyan natin ng konting espasyo ang ating mga guro dahil mahirap po sa panahong ito ‘pag meron pong nagpositibo na isang guro o estudyante ay mahihirapan na naman tayo sa contact tracing dahil naka-focus ngayon sa pagbabakuna. So, iwasan po natin na may magkahawaan. Bigyan muna natin ng konting space ang mga guro na makapagpahinga o makapag-adjust muna dahil alam nating hirap na hirap sila sa pag-aadjust sa ating new learning system,” dagdag pa niya.

“Ako naman po, ‘di rin ako sasang-ayon sa face-to-face classes hanggat ‘di nababakunahan ang majority ng population. Alam naman natin na may new strain ng virus... So, unahin natin ang kalusugan ng bawat bata, bawat Pilipino before anything else. Kawawa naman po mga bata, napi-pressure po ‘yung bata, malaking epekto po iyon sa kanila. Ang importante po, walang masayang na taon. Ang importante po matuto sila,” ani Go.


No comments