3 Easy Steps para Makuha ang National ID
Incase you missed the announcement made by PSA Philippine Identification System, read here:
ALAM MO BANG MAKUKUHA MO ANG DIGITAL NATIONAL ID MO IN THREE EASY STEPS?
ALAMIN kung paano makapagrehistro sa Philippine Identification System (PhilSys)
Step 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registration portal na magbubukas ngayong April 30, 2021
Dito kukunin ang sumusunod na impormasyon:
- Name
- Sex
- Date of birth
- Place of birth
- Blood type
- Address
At iba pang optional information tulad ng marital status, cell phone number, at email address.
Pagkatapos mag-input ng kailangang impormasyon, maaari na rin kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa registration center na malapit sa inyong lugar!
Step 2: Pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting documents
Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number para sa hakbang na ito!
Para sa listahan ng supporting documents na maaaring dalhin [no. 7]: https://psa.gov.ph/philsys/faqs
Step 3: Issuance ng PhilSys Number (PSN) at PhilID
Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon.
Kung merong concern o tanong, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na feedback channels:
sino po angmagkokolekta ng info sa Step 1?
ReplyDeleteAng umid po ba ay national I'd na ngaun?
ReplyDelete