FREE WIFI INTERNET ACCESS FOR EDUCATION SECTOR-DICT


Isusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapabilis ng deployment ng Free WiFi hotspots sa education sectors  para sa new normal na nangangailangan ng blended at distance learning sa darating na pasukan.

Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), state universities, colleges, at iba pang educational institutions para sa mabilisang pag-i-install ng Free WiFi Internet access sa mga sector ng edukasyon. Idinagdag pa ni Secretary Honasan na nagpahayag ng suporta ang Pangulong PRRD sa blended at distance learning ng DepEd para sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Aniya, ang pinakamahalaga ay ang mabilis at secured na internet kaya naman nakafocus ang ahensiya sa pagpapabilis ng  infrastructure buildup para matugunan ang expected surge ng connectivity sa sector ng edukasyon sa bansa.

Alinsunod sa "Free Internet Access in Public Places Act", tinutugunan ng DICT ang installation ng free internet access sa pampublikong mga lugar gaya ng plaza, paaralan, rural health units, paliparan, pantalan, at mga ospital.

source: www.facebook.com/depedtayo



No comments

Note: Only a member of this blog may post a comment.