DEPED APPROVES FACE TO FACE GRADUATION RITES
Read the full text of DepEd's statement of allowing face-to-face graduation rites in areas under alert level 1 & 2
Pahihintulutan na ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pisikal na End-of-School Year (EOSY) rites sa mga paaralan na nasa Alert Level 1 at 2.
Sa EduAksyon Press Conference nitong Marso 11, inanunsiyo ng Kagawaran na ang limitadong face-to-face graduation ay papayagan para sa mga paaralan na nasa Alert Level 1 at 2, na may konsultasyon sa mga LGU, paaralan, at CLCs kasama ang mahigpit na pagsunod sa mga IATF protocols.
"With the continuous downward trend of COVID-19 cases and easing of restrictions, we are allowing the conduct of limited face-to-face and virtual graduation, depending on the alert level status in each region," ani Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.
Para sa mga paaralan na nasa Alert 3, 4, at 5, tanging birtuwal na EOSY rites ang papayagan ayon sa DepEd. Maaaring i-broadcast ng live ang EOSY rites sa nararapat na social media platform.
Nakatakdang isagawa ang EOSY rites ng mga paaralan sa buong bansa mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2, 2022, kasunod ng pagtatapos ng klase sa Hunyo 24, 2022, habang ang mga pribadong paaralan ay maaaring magpatupad ng iskedyul ayon sa kani-kanilang school calendars.
Gayunman, ang mga paaralan, dibisyon, o rehiyon na may extended school year dahil sa mga suspensyon ng klase ay gagabayan ng kanilang aprubadong school calendar.
"Pinaalalahan lang po natin yung number of school days, dapat tumupad sa batas natin under RA 11480. For private schools yung kanilang number of school days at yung pagtatapos nila, they shall be guided by their approved school calendar," pagbibigay-diin ni Kawaksing Kalihim para sa Curriculum and Instruction Alma Ruby C. Torio.
Ang tema ng SY 2021-2022 EOSY rites ay "Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok" (K to 12 Graduates: Pursuing Dreams and Fostering Resilience in the Face of Adversity).
"Only the completers, their parents/guardians, teachers, school officials, and guests shall be present during the virtual rites to ensure the protection and safety of everyone," pagdidiin ni Kawaksing Kal. Torio
Pinaalalahanan din ng DepEd ang lahat na ang EOSY rites ay dapat isagawa sa maayos at marangal na paraan at hindi dapat gamitin bilang political forum, alinsunod sa DO 48, s. 2018 o ang Prohibition of Electioneering and Partisan Political Activity. Dapat ituon ng mga panauhing tagapagsalita ang kanilang mga mensahe sa tema ng EOSY rites ngayong taon at dapat payuhan na huwag mangampanya para sa sinoman o anumang partidong pampulitika.
"The End-of-School Year (EOSY) rites must not be used as a political forum for candidates or political parties," saad ni Kawaksing Kal. Torio.
Kailangan tiyakin ng mga paaralan na walang mga kagamitang may kaugnayan sa halalan, tulad ng mga streamer, poster, sticker, o iba pang mga bagay na nauugnay sa halalan, ang ipapamahagi sa loob ng paaralan o online.
No comments
Note: Only a member of this blog may post a comment.