Libreng Webinar sa Dokumentasyong Pangwika



Para sa mga hindi nakabasa ng Anunsiyo ng Komisyon ng Wikang Filipino, basahin dito:

Bílang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-143 taóng kaarawan ni dáting Pangulong Quezon, at paghahanda sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, inaanyayahan ang mga mananaliksik, guro, mág-aarál, at may interes sa wika at kultura ng kanilang komunidad sa ikalawang Lágsik*-Wika: Serye ng Webinar sa Pagdodokumento ng Katutubong Wika. Gaganapin ito sa 19 Agosto 2021 (Huwebes), 10–11:30 ng umaga.

Layunin ng webinar na lalo pang pasiglahin ang larang ng dokumentasyong pangwika, at mapukaw ang interes ng mga kalahok na maidokumento ang wika ng kanilang komunidad.
Libre ang webinar at magkakaloob ng e-sertipiko sa mga aktibong kalahok. Dahil serye ang webinar, hinihiling na panoorin ang unang bahagi nitó sa link na https://bit.ly/UnangLagsikWika
Para sa pagpapatalâ, magtungo sa link na https://bit.ly/Lagsik2. Matatanggap ng mga napilìng kalahok ang akses sa zoom isang araw bago ang webinar. Sa mga hindi mapipilì, maaari pa ring sumubaybay sa Facebook live ng Komisyon sa Wikang Filipino. Bukás ang rehistrasyon hanggang 15 Agosto, ganap na ika-11:59 ng gabi.

1 comment:

  1. Isang maalab na pagbati sa pamunuan at sa lahat ng kasapi ng Libreng webinar na ito. ako poy nagagalak na nakita ko ito upang ako naman ay makapanood ng malaya ng sa gayon ay marami akong matutunan na aking magagamit sa paghubog ng kaalaman ng aking mga mag aaral. sa muli maraming maraming salamat po. inaasahan ko po na ako poy inyong mapili na mabigyan ng access upang makadalo sa inyong gagawing webinar. Maraming salanat po...

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.