Allowances at Benefits ng mga Gurong Poll Workers, Tataasan!

 Makikipagtulungan ang Commission on Elections sa DepEd upang madagdagan ang benipisyo ng mga guro sa darating na eleksiyon ngayong 2022. Batay sa sulat na isinumite ni Sec. Briones kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, maaaring makatanggap ang chairperson ng 9,000.00 at 8,000.00 naman sa miyembro. Samantala ang Supervisor Official at Support Staff ay makakatanggap ng hiwalay na 7, 000.00 at 5,000.00. Bukod dito hiniling din ng DepEd ang karagdagang 500.00 COVID hazard pay para sa mga gurong poll workers. Isinulong din ng DepEd ang mga serbisyong medical para sa mga guro at karagdagang 1,000.00 allowance para sa tubig at pagkain at 2,000.00 para sa transportation expenses ngayong darating na halalan.




No comments