6K Clothing Allowance for Teachers Sisimulan ng Ipamigay Bukas, Bagong Uniform Isusuot sa 2022

Incase you missed the announcement made by DepEd Philippines regarding clothing allowance of teachers. Here is their official post: 

𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗺𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗰𝗹𝗼𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗿𝘂𝗮𝗻

Abril 4, 2021 – Sinisiguro ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga teaching at non-teaching employees nito na makatatanggap sila ng kanilang clothing allowance para sa Taong Panuruan 2021-2022 nang hindi mas maaga sa unang araw ng trabaho sa Abril ng kasalukuyang taon bilang bahagi ng pangako ng Kagawaran na unahin ang pangangailangan ng mga ito.
“We are truly committed to providing every necessary need of the teachers amid the COVID-19 pandemic. The Department always recognizes our teachers’ efforts and sacrifices to make sure that learners will be able to continue their education,” ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
Ayon sa Financial Report ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla at sa kamakailan lamang na inilabas na DepEd Memorandum Blg. 16, s. 2021 na may pamagat na “Guidelines on the New DepEd National Uniform for Teaching and Non-Teaching Personnel”, ang Kagawaran ay magpapamahagi ng clothing allowance na nagkakahalaga ng Php 6,000.00 kada eligible employee sa Abril 2021.
Bahagi ng nasabing memo ang opisyal na disenyo at detalye ng mga bagong set ng uniporme para sa mga guro at iba pang kawani para sa SY 2021-2022. Hindi naman maghihigpit ang Kagawaran sa mga kawani na pipiliing gamitin ang lumang disenyo ng uniporme.
“In consideration with the current crisis and the continuing implementation of the blended learning delivery and alternative working arrangements, SY 2021-2022 shall be considered a ‘transition period’,” pahayag ni Usec. Sevilla.
“[This is] to provide ample time for employees to prepare for the new set of prescribed uniforms and will be lenient to personnel who will still opt to use the old uniform design,” dagdag pa niya.
Binubuo ang DUC ni Undersecretary for Field Operations Atty. Revsee Escobedo bilang chair, Usec. Sevilla bilang vice-chair, at 11 na kinatawan ng DepEd teaching at non-teaching organizations.
Kinonsidera sa bagong mga disenyo ng uniporme ng teaching and non-teaching personnel ang mga bagay tulad ng availability ng mga tela sa merkado; tibay ng materyales at ginhawa sa pagsuot; at ang kabuoang disenyo na kinakailangang presentable, disente at may integridad.


 

3 comments:

  1. Thank you- The Teachers Craft in updating teachers here in our country about the latest/matters that interest and are related to teachers and teaching. :-)

    ReplyDelete
  2. Thank you- The Teachers Craft in updating teachers here in our country about the latest or matters that interest and are related to teachers and teaching. Good luck and we'll look forward to your upcoming articles and bulletins. :-)

    ReplyDelete
  3. Your blog provided us with valuable information to work with. Each & every tips of your post are awesome. Thanks a lot for sharing. Keep blogging.. 團體服訂做

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.