Some Private Schools NOT Ready for F2F classes?

 Hindi pa tiyak ng ilang private schools kung makakapagbukas na sila ng full physical classes kasunod ng panukala ng Department of Education. Anila, may ilang magulang na nag-aalangan pa ring papasukin sa physical classes ang kanilang mga anak kahit bumubuti na ang COVID-19 situation sa bansa. Mas maganda na ipagpatuloy muna ang hybrid classes/ blended learning o kombinasyon ng online at face to face classes.



Atty. Joseph Noel Estrada, Managing Director COCOPEA," Sa private schools, although ini-encourage natin na mag face to face na ay hindi natin mapipilit if gusto nila na mag-online class. Maganda rin talaga na merong options pa rin. Marami na rin ang excited na bumalik sa school pero may mga magulang na nangangamba para sa kalusugan ng kanilang anak. "

" Ang aming panawagan sa DepEd ay ayusin o gawin yung mga kinakailangan ng pasilidad upang matiyak na ligtas at maayos ang pagbabalik ng mga eskwela at guro sa paaralan," ani Raymond Basilio ng ACT Teachers.

"Hinihikayat na natin ang lahat ng paaralan na magkaroon ng face to face classes. Pero tinitingnan natin na may face to face na mga araw at may mga araw na nasa bahay,"and saad naman ni undersecretary Diosdado San Antonio.

73% ng pampublikong paaralan na ang nagsasagawa ng f2f classes sa bansa at nagpakita ng magandang resulta ukol dito. Ayon sa mga eksperto, kailangan nating mabuhay sa new normal na kasama ang virus sa paligid. Pag-ingatan at pag-aralan na hindi mahawa at sundin ang mga babala at paalala upang makaiwas dito.

SOURCE: UNTV NEWS AND RESCUE

No comments

Note: Only a member of this blog may post a comment.