ON TEACHERS ADDITIONAL 3K POLL HONORARIA

 





Pinasalamatan ng DepEd ang mga guro at personnel na nanilbihan sa katatapos lamang na 2022 National and Local Elections.

Opisyal na ipinahayag ng DepEd na ibabalik ang pabor sa mga guro sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC) sa paglabas ng kanilang poll honoraria at iba pang allowances bago o sa Mayo 24, 2022, ayon sa nakasaad sa COMELEC Resolution No. 10727. Kikilalanin din ang limang (5) araw na service credit para sa mga nanilbihan bilang miyembro ng Electoral Boards at DESO, at kani-kanilang support staff.

Bukod dito, iminungkahi ng DepEd Election Task Force (ETF), sa pangunguna ni Pangalawang Kalihim Alain Del B. Pascua, kasama si Director Marc Bragado bilang operations head, sa COMELEC ang karagdagang P3,000 na sahod sa buong board para sa dagdag na oras na inilaan ng ilang mga guro dahil sa mga isyu ng VCM at SD card.

Kasabay ang pagpapaalala sa publiko na ang COMELEC ang siyang responsable sa pagproseso at pagpapalabas ng honoraria na kaugnay ng eleksiyon.

SOURCE: DEPED PHILIPPINES

No comments

Note: Only a member of this blog may post a comment.